Bakit nga ba maaasahan ang Bible? Malinaw itong sinasagot ni Greg Gilbert. Hindi niya iniiwasan ang mga mahihirap na tanong kagaya ng: bakit maraming iba’t ibang translations? Bakit apat lang na Gospels ang kasama sa Bible? Ang mga sagot niya ay nagbibigay ng confidence na ang Bible ay talaga ngang Salita ng Diyos. Si Cristo talaga ay bumangon mula sa kamatayan. Kung may pagdududa ka, basahin mo ito. Kung ikaw naman ay isang Cristiano na, ang librong ito ay magpapalakas sa iyong kumpyansa sa Bible para lalo mo pang pag-aralan at sundin ang sinasabi nito para sa kaluwalhatian ng Diyos.